space warp

                                                Space Warp

Sa mga dumating sa buhay ko

Nagkaroon agad xa ng malaking puwang sa puso ko.

Mula sa ASL, naging hello, then wazzup..

“Musta kn, San k?”… “Watym k uwi?..” :)

Hindi ko ugaling umuwi ng maaga mula sa trabaho.

Pero dahil alam kong tatawag sya napapauwi ako.

Di kalaunan,gusto na daw nya ako ma-meet in person.

Mag EB na daw kami. And I said yes, ofcourse! ;)

Dumating na ang most awaited EB of my life.

Ang gabi na makakapagpabago ng lahat lahat sa akin.

Little did I realized after that night, that it was the

Most romantic date ever sa buong buhay ko.

Naglakad kami sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Blvd.

Uminom ng malamig na SanMig at may pulutan na sizzling sisig.

Habang nakasindi ang isang maliit na kandila sa gitna ng mesa.

At sa saliw ng bandang may tunog akustik.

Sa mga oras na iyon, gusto kong humagilap ng lapis at papel.

Para isulat kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Feeling ko babaeng babae ako.Ito ang gabing halos ayaw mo

Nang matapos.At gustong mong pigilan ang orasan sa pagtik-tak.

Naaalala ko ang mga sandaling nagkuwentuhan kami sa ilalim ng bilog na buwan.

Ito ang pagkakataong gustong gusto mong tumalon sa galak.

Dahil kasama mo ang taong halos laman ng isip mo araw araw.

Napupuno ang inbox mo ng puro text message nya lang.

Hindi kumpleto ang gabi mo kapag hindi mo marinig ang boses

Nya sa kabilang linya. Malungkot ka kapag tumutunog ang cellphone mo,

pero ibang pangalan ang lumalabas.

Pagkatapos ng gabing iyon ay nagbago na ang  lahat.

At nagsimula ito sa isang di pagkakaunawaan.

Sinusubukan kong tawagan ang cellphone nya pero laging out of reach.

At hindi na rin sya nagte-txbk sa mga text ko.

Humingi na naman ako ng sori sa kanya at sabi nya hindi naman daw xa nagalit.

Pero nararamdaman ko na malaki na ang ipinagbago nya.

I suggested na mag-usap kami ng personal pero ayaw nya.

At sinabi pa nya na mas mabuti kung hindi na muna kami mag-usap.

Pagkatapos kong mabasa ang text nya na yun.

Ay parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko.

Gusto kong magwala, pero wala akong lakas.

Gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumalabas.

Biglang huminto ang mundo ko.

At wala na akong gustong gawin kung hindi isipin.

Kung bakit ganito ang kinahantungan ng isang magandang umpisa?

O baka para sa kanya, ay kaibigan lang talaga ang tingin nya sa akin mula pa nung umpisa.

At ako lang naman ang umaasa na balang araw ay mamahalin nya rin ako.

Na magiging importanteng parte ako ng buhay nya.

Na magkakaroon ako ng maliit na espasyo sa puso nya.

Na magkakapuwang ako sa buhay nya.

Masakit isipin na kaya ko pala magmahal ng isang taong

baka kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin……

                                                       1st draft: feb17,2005 UP Fair

                                                       2nd draft: feb 21,2005- 9:30pm-10:45am

                                                        3rd draft: july 15,2005  7:00pm-7:20pm

Leave a Reply